|
Sponsored by Holy Books
Kabanata 81 ↟↟
- agsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan. mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
- Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta, ang masayang alpa sangpu ng salterio.
- Magsihihip kayo ng pakakak sa bagong buwan, sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
- Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel, ayos ng Dios ni Jacob.
- Kaniyang inilagay na pinakapatotoo sa Jose, nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto. na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
- Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan. ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
- Ikaw ay tumawag sa kabagabagan, at iniligtas kita, sinagot kita sa lihim na dako ng kulog, sinubok kita sa tubig ng Meriba. Selah
- Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo. Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
- Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo, at hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
- Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto. bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
- Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko, at hindi ako sinunod ng Israel.
- Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso, upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
- Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan, kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
- Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway, at ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
- Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya. nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
- Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo. at ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.
Kabanata 82 ↟↟
- ng Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios, siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
- Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? Selah
- Hatulan mo ang dukha at ulila. gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
- Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan. iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
- Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man, sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman. lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
- Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
- Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
- Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa. sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.
Kabanata 83 ↟↟
- h Dios, huwag kang tumahimik. huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
- Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo. at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
- Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli.
- Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa, upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
- Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon, laban sa iyo ay nangagtitipanan.
- Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita, ang Moab at ang mga Agareno,
- Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec, ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro.
- Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila, kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot.
- Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita, gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison.
- Na nangamatay sa Endor, sila'y naging parang dumi sa lupa.
- Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb, Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna,
- Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios.
- Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok, Parang dayami sa harap ng hangin.
- Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok,
- Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos.
- Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan, upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
- Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man, Oo, mangahiya sila at mangalipol.
- Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay Adonai, ay Kataastaasan sa buong lupa.
Kabanata 84 ↟↟
- ay iinam ng iyong mga tabernakulo, Oh Panginoon ng mga hukbo!
- Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon, ang puso ko't laman ay dumadaing sa buhay na Dios.
- Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay, sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo, Hari ko, at Dios ko.
- Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay. kanilang pupurihin kang palagi. Selah
- Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo, na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
- Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal, Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
- Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
- Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin. pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. Selah
- Masdan mo, Oh Dios na aming kalasag, at tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.
- Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo. Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios, kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
- Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag, ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian, hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
- Oh Panginoon ng mga hukbo, mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.
Kabanata 85 ↟↟
- anginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain. iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
- Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, Selah
- Iyong pinawi ang buong poot mo. iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
- Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
- Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
- Hindi mo ba kami bubuhayin uli. upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
- Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
- Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon. sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal. nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan.
- Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya, upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
- Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong, katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
- Katotohanan ay bumubukal sa lupa, at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
- Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti, at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
- Katuwira'y mangunguna sa kaniya, at gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
Kabanata 86 ↟↟
- kiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako, sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan.
- Ingatan mo ang aking kaluluwa, sapagka't ako'y banal. Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
- Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
- Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod, sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
- Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
- Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin, at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
- Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo, sapagka't iyong sasagutin ako.
- Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon, wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
- Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon, at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
- Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay. ikaw na magisa ang Dios.
- Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon, lalakad ako sa iyong katotohanan. ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
- Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso, at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
- Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin, at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
- Oh Dios, ang palalo ay bumangon laban sa akin, at ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa, at hindi inilagay ka sa harap nila.
- Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
- Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, ibigay mo ang lakas mo sa iyong lingkod. At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
- Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti. upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya, sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.
Kabanata 87 ↟↟
- ng kaniyang patibayan ay nasa mga banal na bundok.
- Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion, ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
- Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo, Oh bayan ng Dios. Selah
- Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin. narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia, ang isang ito ay ipinanganak diyan.
- Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya, at itatatag siya ng Kataastaasan.
- Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang isinulat ang mga bayan, ang isang ito ay ipinanganak diyan. Selah
- Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi, lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.
Kabanata 88 ↟↟
- h Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan, ako'y dumaing araw at gabi sa harap mo.
- Masok ang aking dalangin sa iyong harapan. ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing.
- Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol,
- Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay, ako'y parang taong walang lakas.
- Nakahagis sa gitna ng mga patay, gaya ng napatay na nakahiga sa libingan, na hindi mo na inaalaala, at sila'y mangahiwalay sa iyong kamay.
- Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman.
- Lubhang idinidiin ako ng iyong poot, at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. Selah
- Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko, iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila. ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
- Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian. ako'y tumawag araw-araw sa iyo, Oh Panginoon, aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.
- Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? Selah
- Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan?
- Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot?
- Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako, at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
- Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
- Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan. habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.
- Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin, inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
- Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw, kinubkob ako nilang magkakasama.
- Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, at ang aking kakilala ay sa dilim.
Kabanata 89 ↟↟
- king aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man. aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
- Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man. ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.
- Ako'y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod,
- Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. Selah
- At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon, ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal.
- Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
- Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?
- Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.
- Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat. pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.
- Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay, iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
- Ang langit ay iyo, ang lupa ay iyo rin. ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag,
- Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha, ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.
- Ikaw ay may makapangyarihang bisig. malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.
- Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan. kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
- Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog. sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
- Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw. at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
- Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan. at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay.
- Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon, at ang aming hari ay sa banal ng Israel.
- Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan, Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
- Aking nasumpungan si David na aking lingkod, Aking pinahiran siya ng aking banal na langis.
- Na siyang itatatag ng aking kamay, palakasin naman siya ng aking bisig.
- Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway, ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
- At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
- Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya, at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay.
- Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
- Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
- Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa.
- Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
- Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit.
- Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan,
- Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko,
- Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
- Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
- Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
- Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David,
- Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man, at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko.
- Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. Selah
- Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
- Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod. iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
- Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod. iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
- Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
- Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway, iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
- Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
- Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
- Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan. iyong tinakpan siya ng kahihiyan. Selah
- Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
- Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon. sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
- Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? Selah
- Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
- Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod, kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan,
- Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
- Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa.
Kabanata 90 ↟↟
- anginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi.
- Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
- Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao, at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
- Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi.
- Iyong dinadala sila na parang baha, sila'y parang pagkakatulog. sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo.
- Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago, sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
- Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit, at sa iyong poot ay nangabagabag kami.
- Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
- Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot. aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
- Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon, gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang, sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
- Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit, at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?
- Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
- Manumbalik ka, Oh Panginoon, hanggang kailan pa? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
- Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob, upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
- Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin, at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
- Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod, at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
- At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios. at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay, Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
Kabanata 91 ↟↟
- iyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
- Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.
- Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot.
- Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka. ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti.
- Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw,
- Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.
- Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan, nguni't hindi lalapit sa iyo.
- Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama.
- Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan,
- Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.
- Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
- Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
- Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong. ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.
- Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya. aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko.
- Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya, ako'y sasa kaniya sa kabagabagan. aking ililigtas siya, at pararangalan siya.
- Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.
Kabanata 92 ↟↟
- sang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan.
- Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi.
- Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio, na may dakilang tunog na alpa.
- Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa. ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
- Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim.
- Ang taong hangal ay hindi nakakaalam, ni nauunawa man ito ng mangmang.
- Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan, ay upang mangalipol sila magpakailan man.
- Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
- Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo, Oh Panginoon, sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol, lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
- Nguni't ang sungay ko'y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro. ako'y napahiran ng bagong langis.
- Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway, narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
- Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siya'y tutubo na parang cedro sa Libano.
- Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon, sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
- Sila'y mangagbubunga sa katandaan, sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan.
- Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid, siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya.
Kabanata 93 ↟↟
- ng Panginoon ay naghahari, siya'y nananamit ng karilagan, ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan, siya'y nagbigkis niyaon. ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago.
- Ang luklukan mo'y natatag ng una. ikaw ay mula sa walang pasimula.
- Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon, ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong, ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
- Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig, malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
- Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay. ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay, Oh Panginoon, magpakailan man.
Kabanata 94 ↟↟
- h Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
- Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa. ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
- Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
- Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan. lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
- Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana.
- Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila.
- At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
- Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan. at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
- Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
- Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
- Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan.
- Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan.
- Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
- Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
- Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran. at susundan ng lahat na matuwid sa puso.
- Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
- Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
- Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod, inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
- Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
- Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
- Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo.
- Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog, at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan.
- At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan, ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.
Kabanata 95 ↟↟
- h magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon. tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan.
- Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
- Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
- Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
- Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa. at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
- Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod, tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
- Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!
- Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang.
- Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang, tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
- Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon, at aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso. At hindi naalaman ang aking mga daan.
- Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot, na sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
Kabanata 96 ↟↟
- h magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit. magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
- Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya, ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
- Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan.
- Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin. siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
- Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
- Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya. kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
- Magbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
- Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan, kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban.
- Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan. manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
- Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, ang Panginoon ay naghahari. ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos. kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan.
- Matuwa ang langit at magalak ang lupa, humugong ang dagat, at ang buong naroon,
- Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya, kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat,
- Sa harap ng Panginoon, sapagka't siya'y dumarating. sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa. kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan.
Kabanata 97 ↟↟
- ng Panginoon ay naghahari, magalak ang lupa, matuwa ang karamihan ng mga pulo.
- Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya. katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
- Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
- Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan. nakita ng lupa, at niyanig.
- Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon, sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
- Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
- Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan, nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan. kayo'y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios.
- Narinig ng Sion, at natuwa, at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak, dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
- Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa. ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
- Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal, kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama.
- Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso.
- Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid, at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.
Kabanata 98 ↟↟
- h magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay. ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya.
- Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas. ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
- Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel. nakita ng lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
- Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa. Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
- Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri ng alpa, ng alpa at ng tinig na tugma.
- Ng mga pakakak at tunog ng corneta magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
- Humugong ang dagat at ang buong naroon, ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon,
- Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay, magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan,
- Sa harap ng Panginoon, sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa. kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan.
Kabanata 99 ↟↟
- ng Panginoon ay naghahari. manginig ang mga bayan. Siya'y nauupo sa mga querubin, makilos ang lupa.
- Ang Panginoon ay dakila sa Sion, at siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
- Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan. siya'y banal.
- Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan, ikaw ay nagtatatag ng karampatan, ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.
- Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan, siya'y banal.
- Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, at si Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan, sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
- Siya'y nagsasalita sa kanila sa haliging ulap. kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
- Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios, ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila, bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.
- Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa kaniyang banal na bundok, sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.
Kabanata 100 ↟↟
- agkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
- Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon, magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
- Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios, siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya. tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
- Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri. mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
- Sapagka't ang Panginoon ay mabuti, ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man, at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.
|
|