Tikun Project Tikun Project on X Tikun Project on redditTikun Project on InstaGram Tikun Project on FaceBook Donate Please

Sponsored by Holy Books



Mga Awit

[126] [127] [128] [129] [130] [131] [132] [133] [134] [135] [136] [137] [138] [139] [140] [141] [142] [143] [144] [145] [146] [147] [148] [149] [150]


Kabanata 126 ↟↟

  1. ang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
  2. Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit. nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.
  3. Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay, na siyang ating ikinatutuwa.
  4. Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan.
  5. Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
  6. Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim, siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.

Kabanata 127 ↟↟

  1. alibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo. malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay.
  2. Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng kapagalan. sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
  3. Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon. at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
  4. Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan.
  5. Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon. sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.

Kabanata 128 ↟↟

  1. apalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan.
  2. Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay. magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
  3. Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay. ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang.
  4. Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.
  5. Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion. at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
  6. Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.

Kabanata 129 ↟↟

  1. adalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
  2. Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan. gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
  3. Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod, kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
  4. Ang Panginoon ay matuwid. kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
  5. Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
  6. Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki.
  7. Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
  8. Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa, binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.

Kabanata 130 ↟↟

  1. ula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
  2. Panginoon, dinggin mo ang aking tinig. pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik.
  3. Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?
  4. Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.
  5. Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.
  6. Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga, Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
  7. Oh Israel, umasa ka sa Panginoon, sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
  8. At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.

Kabanata 131 ↟↟

  1. anginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata, ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
  2. Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa, parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
  3. Oh Israel, umasa ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Kabanata 132 ↟↟

  1. anginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian,
  2. Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob.
  3. Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan,
  4. Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata,
  5. Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
  6. Narito, narinig namin sa Ephrata. aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
  7. Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo, kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
  8. Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako. ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
  9. Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran, at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
  10. Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.
  11. Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan, hindi niya babaligtarin. ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
  12. Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
  13. Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion, kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
  14. Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan, sapagka't aking ninasa.
  15. Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain, aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
  16. Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan. at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
  17. Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David. aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis.
  18. Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan. nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

Kabanata 133 ↟↟

  1. asdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
  2. Parang mahalagang langis sa ulo, na tumutulo sa balbas, sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron. Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot,
  3. Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion. sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.

Kabanata 134 ↟↟

  1. arito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
  2. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon.
  3. Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion, sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.

Kabanata 135 ↟↟

  1. urihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon, purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon.
  2. Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon. Sa mga looban ng bahay ng ating Dios.
  3. Purihin ninyo ang Panginoon, sapagka't ang Panginoon ay mabuti. magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan, sapagka't maligaya.
  4. Sapagka't pinili ng Panginoon para sa kaniya si Jacob, at ang Israel na kaniyang pinakatanging kayamanan.
  5. Sapagka't nalalaman ko na ang Panginoon ay dakila, at ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
  6. Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa, sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
  7. Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa, kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan, kaniyang inilalabas ang hangin mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
  8. Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto, sa tao at gayon din sa hayop.
  9. Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto, kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
  10. Na siyang sumakit sa maraming bansa, at pumatay sa mga makapangyarihang hari,
  11. Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, at kay Og na hari sa Basan, at sa lahat ng mga kaharian ng Canaan.
  12. At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana, isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
  13. Ang iyong pangalan, Oh Panginoon, ay magpakailan man, ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
  14. Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, at magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
  15. Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto, na gawa ng mga kamay ng mga tao.
  16. Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita, mga mata ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita,
  17. Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig, at wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
  18. Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila, Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
  19. Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon. Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon.
  20. Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon. ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
  21. Purihin ang Panginoon mula sa Sion, na siyang tumatahan sa Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.

Kabanata 136 ↟↟

  1. h mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  2. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  3. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  4. Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  5. Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  6. Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  7. Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  8. Ng araw upang magpuno sa araw. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  9. Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  10. Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  11. At kinuha ang Israel sa kanila. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  12. Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  13. Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  14. At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  15. Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  16. Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  17. Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  18. At pumatay sa mga bantog na hari. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  19. Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  20. At kay Og na hari sa Basan. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  21. At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana. Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  22. Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  23. Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  24. At iniligtas tayo sa ating mga kaaway. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  25. Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
  26. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kabanata 137 ↟↟

  1. a tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion.
  2. Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa.
  3. Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi. Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
  4. Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain?
  5. Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem, kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
  6. Dumikit nawa ang aking dila sa ngalangala ng aking bibig, kung hindi kita alalahanin, kung hindi ko piliin ang Jerusalem ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
  7. Alalahanin mo Oh Panginoon, laban sa mga anak ni Edom ang kaarawan ng Jerusalem, na nagsabi, Sirain, sirain, pati ng patibayan niyaon.
  8. Oh anak na babae ng Babilonia, na sira, magiging mapalad siya, na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin.
  9. Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata sa malaking bato.

Kabanata 138 ↟↟

  1. ko'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso. sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
  2. Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan. sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
  3. Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
  4. Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
  5. Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon, sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
  6. Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa. nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
  7. Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako, iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanan.
  8. Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin. ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man, huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.

Kabanata 139 ↟↟

  1. h Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
  2. Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
  3. Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
  4. Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo.
  5. Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
  6. Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin, ito'y mataas, hindi ko maabot.
  7. Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
  8. Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka. kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
  9. Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat,
  10. Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
  11. Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi,
  12. Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw. ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo.
  13. Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob. iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina.
  14. Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas. kagilagilalas ang iyong mga gawa, at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
  15. Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
  16. Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila,
  17. Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila!
  18. Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin. pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
  19. Walang pagsalang iyong papatayin ang masama, Oh Dios. hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
  20. Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan, at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
  21. Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo? At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
  22. Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan. sila'y naging mga kaaway ko.
  23. Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso, subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip.
  24. At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Kabanata 140 ↟↟

  1. ligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao, ingatan mo ako sa marahas na tao.
  2. Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso. laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.
  3. Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas, kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. Selah
  4. Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama, ingatan mo ako sa marahas na tao. na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
  5. Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali, kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan, sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. Selah
  6. Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko. Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
  7. Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
  8. Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama, huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka, baka sila'y mangagmalaki. Selah
  9. Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
  10. Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas. mangahagis sila sa apoy, sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
  11. Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa. huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
  12. Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan.
  13. Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan. ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.

Kabanata 141 ↟↟

  1. anginoon, ako'y tumawag sa iyo. magmadali ka sa akin. pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
  2. Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo, ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan.
  3. Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig, ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
  4. Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay, na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan. at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
  5. Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob, at sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo, huwag tanggihan ng aking ulo. sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
  6. Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato, at kanilang maririnig ang aking mga salita, sapagka't matatamis.
  7. Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
  8. Sapagka't ang mga mata ko'y nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon. sa iyo nanganganlong ako, huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
  9. Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin, at sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
  10. Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating. Habang ako'y nakatatanan.

Kabanata 142 ↟↟

  1. ko'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
  2. Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya, aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
  3. Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
  4. Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo. sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin. kanlungan ay kulang ako, walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
  5. Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon, aking sinabi. Ikaw ay aking kanlungan, aking bahagi sa lupain ng may buhay.
  6. Pakinggan mo ang aking daing, sapagka't ako'y totoong nababa. iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin, sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
  7. Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan. kubkubin ako ng matuwid, sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.

Kabanata 143 ↟↟

  1. inggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking mga pamanhik. sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
  2. At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod, sapagka't sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap.
  3. Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko, kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa. kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
  4. Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko, ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
  5. Aking naaalaala ang mga araw ng una, aking ginugunita ang lahat mong mga gawa. aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
  6. Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo. ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. Selah
  7. Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon, ang diwa ko'y nanglulupaypay. huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin, baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
  8. Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan, sapagka't sa iyo ako tumitiwala. ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran, sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
  9. Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway. tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
  10. Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban, sapagka't ikaw ay aking Dios. ang iyong Espiritu ay mabuti, patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran.
  11. Buhayin mo ako, Oh Panginoon, dahil sa iyong pangalan. sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
  12. At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway, at lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa, sapagka't ako'y iyong lingkod.

Kabanata 144 ↟↟

  1. urihin ang Panginoon na aking malaking bato, na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, at ang mga daliri ko na magsilaban.
  2. Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, aking matayog na moog, at aking tagapagligtas, aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong, na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
  3. Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya? O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
  4. Ang tao ay parang walang kabuluhan. ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
  5. Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka. hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
  6. Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila, suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
  7. Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas, sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, sa kamay ng mga taga ibang lupa,
  8. Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
  9. Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, Oh Dios. sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
  10. Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari. na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
  11. Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa. Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
  12. Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan, at ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
  13. Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay, at ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang,
  14. Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti, pagka walang salot, at sakuna, at walang panaghoy sa aming mga lansangan,
  15. Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan. maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.

Kabanata 145 ↟↟

  1. bubunyi kita, Dios ko, Oh Hari, at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
  2. Araw-araw ay pupurihin kita, at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
  3. Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin, at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
  4. Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa. At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
  5. Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan, at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
  6. At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa, at aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
  7. Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan, at aawitin nila ang iyong katuwiran.
  8. Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
  9. Ang Panginoon ay mabuti sa lahat, at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
  10. Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon, at pupurihin ka ng iyong mga banal.
  11. Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan,
  12. Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa, at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
  13. Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
  14. Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, at itinatayo yaong nangasusubasob.
  15. Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo, at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
  16. Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
  17. Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
  18. Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan.
  19. Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya, kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
  20. Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya, nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
  21. Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon, at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

Kabanata 146 ↟↟

  1. urihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
  2. Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon. ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
  3. Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
  4. Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa, sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
  5. Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios.
  6. Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon, na nagiingat ng katotohanan magpakailan man.
  7. Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati, na nagbibigay ng pagkain sa gutom. pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo,
  8. Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag, ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob, iniibig ng Panginoon ang matuwid,
  9. Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa, kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao, nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
  10. Maghahari ang Panginoon magpakailan man. Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi. Purihin ninyo ang Panginoon.

Kabanata 147 ↟↟

  1. urihin ninyo ang Panginoon, sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios, sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod.
  2. Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem, kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel.
  3. Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
  4. Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin, siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
  5. Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan, ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
  6. Inaalalayan ng Panginoon ang maamo. kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
  7. Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat, magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios.
  8. Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
  9. Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
  10. Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo. siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
  11. Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
  12. Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem, purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
  13. Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan, kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
  14. Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan, kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
  15. Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa, ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
  16. Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa, siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
  17. Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo. sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
  18. Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw. kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
  19. Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
  20. Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa. at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon.

Kabanata 148 ↟↟

  1. urihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit. purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
  2. Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel. purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
  3. Purihin ninyo siya, araw at buwan. purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
  4. Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
  5. Purihin nila ang pangalan ng Panginoon. sapagka't siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
  6. Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man. siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
  7. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman.
  8. Apoy at granizo, nieve at singaw, unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita.
  9. Mga bundok at lahat ng mga gulod, mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro.
  10. Mga hayop at buong kawan, nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad.
  11. Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan, mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa.
  12. Mga binata at gayon din ng mga dalaga, mga matanda at mga bata.
  13. Purihin nila ang pangalan ng Panginoon, sapagka't ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi. ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
  14. At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal, sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon.

Kabanata 149 ↟↟

  1. urihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal.
  2. Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya. magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
  3. Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw. magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
  4. Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan. kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
  5. Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian. magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
  6. Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay,
  7. Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa, at mga parusa sa mga bayan,
  8. Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala, at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal,
  9. Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat. mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal. Purihin ninyo ang Panginoon.

Kabanata 150 ↟↟

  1. urihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario. purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
  2. Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa. purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
  3. Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak. purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
  4. Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw. purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta.
  5. Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
  6. Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.




Mini Disclaimer:

The information contained herein does not constitute the full body of knowledge regarding each subject discussed. The content contained herein is a starting point for you to either follow us via this website or do further research. The information contained herein is of an advanced level for those seeking higher answers.

* Conditions may apply.
** Some links are affiliate links.
*** Please read full Disclaimer here.




 * conditions may apply
Tikun Meditation Project ©™ 2021 - 2026 + Modified: 2026-07-02

The Tikun Project

 Top Of page Nav page 
 Please email a friend. Nav page Top Of page