|
Sponsored by Holy Books
Kabanata 101 ↟↟
- king aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan. sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
- Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad. Oh kailan ka pasasa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso.
- Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata. aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya. hindi kakapit sa akin.
- Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin. hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
- Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal. siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
- Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko. siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
- Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay. siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
- Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain, upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan sa bayan ng Panginoon.
Kabanata 102 ↟↟
- inggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo.
- Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan. ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
- Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok, at ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
- Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at natuyo, sapagka't nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
- Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
- Ako'y parang pelikano sa ilang, ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
- Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan.
- Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw, silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
- Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak.
- Dahil sa iyong galit at iyong poot. sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
- Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling, at ako'y natuyo na parang damo.
- Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man, at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
- Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion. sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.
- Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok.
- Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian,
- Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian,
- Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
- Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod. at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
- Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario, tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit,
- Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo. upang kalagan yaong nangaitakdang patayin,
- Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem,
- Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
- Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan, kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
- Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan, ang mga taon mo'y lampas sa mga sali't saling lahi.
- Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa, at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
- Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili. Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan, parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan.
- Nguni't ikaw rin, at ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
- Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi, at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
Kabanata 103 ↟↟
- urihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
- Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
- Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan, na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit,
- Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak. na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan.
- Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay, Na anopa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila.
- Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa, at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
- Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan kay Moises, ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
- Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
- Hindi siya makikipagkaalit na palagi, ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
- Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
- Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
- Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
- Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
- Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo, kaniyang inaalaala na tayo'y alabok.
- Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo. kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya.
- Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam, at ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
- Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak,
- Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan, at sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
- Itinatag ng Panginoon ang kaniyang luklukan sa mga langit, at ang kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
- Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya. ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita, na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
- Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya, ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
- Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya, sa lahat na dako na kaniyang sakop, purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
Kabanata 104 ↟↟
- urihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila, ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
- Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan, na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing.
- Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig, na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro, na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin.
- Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya, ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy.
- Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,
- Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan, ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.
- Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas, sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila,
- Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
- Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan, upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
- Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis, nagsisiagos sa gitna ng mga bundok.
- Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang, nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
- Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
- Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid. ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.
- Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao. upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa.
- At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
- Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog, ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim,
- Na pinamumugaran ng mga ibon. tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.
- Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing, ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho.
- Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon. nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
- Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi, na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
- Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.
- Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib.
- Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.
- Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat. ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
- Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
- Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan. nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
- Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
- Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila, iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.
- Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag, iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
- Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang, at iyong binabago ang balat ng lupa.
- Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man, magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa.
- Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig. kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.
- Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay. ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
- Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay. ako'y magagalak sa Panginoon.
- Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa, at mawala nawa ang masama. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Purihin ninyo ang Panginoon.
Kabanata 105 ↟↟
- h magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
- Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri, salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
- Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan. mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
- Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan, hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
- Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa. ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig,
- Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
- Siya ang Panginoon nating Dios. ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
- Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi,
- Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac,
- At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan.
- Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana,
- Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang, Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon,
- At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
- Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian, Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila,
- Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.
- At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain, kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay.
- Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila, si Jose ay naipagbiling pinakaalipin.
- Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw, siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal.
- Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita, tinikman siya ng salita ng Panginoon.
- Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya, sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
- Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, at pinuno sa lahat niyang pag-aari.
- Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
- Si Israel naman ay nasok sa Egipto, at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham.
- At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
- Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
- Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang.
- Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
- Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim, at sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
- Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, at pinatay ang kanilang mga isda.
- Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, sa mga silid ng kanilang mga hari.
- Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
- Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain.
- Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos, at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
- Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
- At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, at kinain ang bunga ng kanilang lupa.
- Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, ang puno ng lahat nilang kalakasan.
- At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto. at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
- Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis, sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
- Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong, at apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
- Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit.
- Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig, nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
- Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod.
- At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan.
- At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa, at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari.
- Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.
Kabanata 106 ↟↟
- urihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
- Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
- Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan, Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas.
- Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
- Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
- Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto, hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
- Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
- Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo. sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
- At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
- At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway. walang nalabi sa kanila kahit isa.
- Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita, inawit nila ang kaniyang kapurihan.
- Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa, hindi sila naghintay sa kaniyang payo.
- Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.
- At binigyan niya sila ng kanilang hiling, nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
- Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.
- Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.
- At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong, sinunog ng liyab ang mga masama,
- Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.
- Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
- Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto,
- Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
- Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
- Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita,
- Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
- Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang.
- At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain.
- Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay.
- Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa, at ang salot ay lumitaw sa kanila.
- Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan. at sa gayo'y tumigil ang salot.
- At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
- Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila.
- Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
- Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila,
- Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa.
- At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan, na naging silo sa kanila.
- Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
- At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan, at ang lupain ay nadumhan ng dugo.
- Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
- Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
- At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa, at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
- Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
- Madalas na iligtas niya sila, nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan.
- Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing.
- At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
- Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
- Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
- Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.
Kabanata 107 ↟↟
- h mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti. sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway,
- At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan.
- Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas, sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
- Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
- Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
- Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
- Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
- Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
- Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw,
- Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan.
- Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap, sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo.
- Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
- Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali.
- Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
- Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal.
- Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
- Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain, at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan,
- Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
- Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
- Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
- At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
- Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig,
- Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
- Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon.
- Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman. ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
- Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala.
- Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan.
- Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
- Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin.
- Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
- Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda.
- Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal.
- Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
- Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain.
- At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda sila ng bayang tahanan,
- At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang.
- Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami, at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
- Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
- Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan.
- Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
- Makikita ng matuwid, at matutuwa, at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
- Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.
Kabanata 108 ↟↟
- ng aking puso'y matatag, Oh Dios, ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
- Kayo'y gumising, salterio at alpa. ako ma'y gigising na maaga.
- Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan. at ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
- Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit, at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap.
- Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit. at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
- Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
- Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan, ako'y magsasaya. aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
- Galaad ay akin, Manases ay akin, ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo. Juda'y aking cetro.
- Moab ay aking hugasan, sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak. sa Filistia ay hihiyaw ako.
- Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
- Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin, at hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
- Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway, sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
- Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan. sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.
Kabanata 109 ↟↟
- uwag kang mapayapa, Oh Dios na aking kapurihan,
- Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin. sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
- Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim, at nagsilaban sa akin ng walang kadahilanan.
- Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila. nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
- At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, at pagtatanim sa pagibig ko.
- Lagyan mo ng masamang tao siya. at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan.
- Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin, at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin.
- Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan, at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
- Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa.
- Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos, at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
- Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik, at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
- Mawalan nawa ng maawa sa kaniya, at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
- Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan, sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
- Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang, at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
- Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa.
- Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan, kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan, at ang may bagbag na puso, upang patayin.
- Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya, at hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
- Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, at parang langis sa kaniyang mga buto.
- Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
- Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
- Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan. sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
- Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
- Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling. ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
- Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
- Ako nama'y naging kadustaan sa kanila. pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
- Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob.
- Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay, na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
- Sumumpa sila, nguni't magpapala ka. pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya, nguni't ang iyong lingkod ay magagalak.
- Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko, at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
- Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon, Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan.
- Sapagka't siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan, upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.
Kabanata 110 ↟↟
- inabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
- Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion. magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
- Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan. mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
- Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.
- Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot.
- Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook, siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
- Siya'y iinom sa batis sa daan. kaya't siya'y magtataas ng ulo.
Kabanata 111 ↟↟
- urihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
- Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
- Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan. at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
- Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin. ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
- Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya. kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
- Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
- Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan. lahat niyang mga tuntunin ay tunay.
- Nangatatatag magpakailan-kailan man, mga yari sa katotohanan at katuwiran.
- Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan, kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man. banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
- Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan, may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
Kabanata 112 ↟↟
- urihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
- Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa, ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
- Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay. at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
- Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman. siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
- Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
- Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man, ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
- Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita. ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
- Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
- Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan, ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan.
- Makikita ng masama, at mamamanglaw, siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw. ang nasa ng masama ay mapaparam.
Kabanata 113 ↟↟
- urihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
- Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man.
- Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
- Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit.
- Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas,
- Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
- Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi,
- Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo, sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
- Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang ina ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon.
Kabanata 114 ↟↟
- ang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika,
- Ang Juda ay naging kaniyang santuario, ang Israel ay kaniyang sakop.
- Nakita ng dagat, at tumakas, ang Jordan ay napaurong.
- Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa, ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
- Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas? sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
- Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa, sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
- Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng Dios ni Jacob,
- Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato. Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.
Kabanata 115 ↟↟
- uwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
- Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
- Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit. kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
- Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
- Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita, mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita,
- Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig, mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy,
- Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan, mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad, ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
- Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila, Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
- Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon. siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
- Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon. siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
- Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon, siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
- Inalaala tayo ng Panginoon, kaniyang pagpapalain tayo. kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel, kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
- Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon, ang mababa at gayon ang mataas.
- Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit, kayo at ang inyong mga anak.
- Pinagpala kayo ng Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
- Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon, nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
- Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan,
- Nguni't aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon.
Kabanata 116 ↟↟
- king iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling.
- Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
- Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin. aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
- Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
- Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid, Oo, ang Dios namin ay maawain.
- Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob. ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
- Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko, sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
- Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal.
- Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay.
- Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita. ako'y lubhang nagdalamhati.
- Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan.
- Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
- Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
- Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
- Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
- Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod, ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae, iyong kinalag ang aking mga tali.
- Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
- Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan,
- Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.
Kabanata 117 ↟↟
- h purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa. purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
- Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin, at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon.
Kabanata 118 ↟↟
- h mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
- Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.
- Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin?
- Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
- Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
- Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
- Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
- Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
- Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
- Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon.
- Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
- Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
- Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
- Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
- Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
- Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
- Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid.
- Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.
- Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.
- Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
- Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
- Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
- Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
- Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.
- Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
- Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Kabanata 119 ↟↟
- apalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
- Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
- Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan, sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
- Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.
- Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!
- Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
- Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
- Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo. Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
- Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
- Hinanap kita ng aking buong puso. Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
- Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso. upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
- Mapalad ka, Oh Panginoon. ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
- Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
- Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
- Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.
- Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan. hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
- Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay, sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
- Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
- Ako'y nakikipamayan sa lupa. huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
- Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
- Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
- Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan, sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
- Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin, nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
- Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.
- Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok. buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
- Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin. ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
- Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin. sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
- Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob. iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
- Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan. at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
- Aking pinili ang daan ng pagtatapat. ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
- Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo. Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
- Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.
- Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan, at aking iingatan hanggang sa wakas.
- Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan, Oo, aking susundin ng aking buong puso.
- Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos, sapagka't siya kong kinaaliwan.
- Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.
- Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
- Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.
- Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan. sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
- Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin, buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
- Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
- Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin, sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
- At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig, sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
- Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.
- At lalakad ako sa kalayaan, sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
- Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya.
- At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.
- Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig, at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
- Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako.
- Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati. sapagka't binuhay ako ng iyong salita.
- Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin. gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
- Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili.
- Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
- Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.
- Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.
- Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
- Ang Panginoon ay aking bahagi. aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
- Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso. magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
- Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
- Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
- Pinuluputan ako ng mga panali ng masama, nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
- Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
- Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
- Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob. ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
- Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
- Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman, sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
- Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako, nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
- Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti, ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
- Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin. aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
- Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo, nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
- Mabuti sa akin na ako'y napighati, upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
- Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.
- Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay. bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
- Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa, sapagka't ako'y umasa sa iyong salita,
- Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
- Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
- Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay. sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
- Mahiya ang palalo, sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan. nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
- Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
- Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan, upang huwag akong mapahiya.
- Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas. nguni't umaasa ako sa iyong salita.
- Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
- Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok, gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
- Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
- Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
- Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian, tulungan mo ako.
- Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa, nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
- Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob, sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
- Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
- Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi. iyong itinatag ang lupa, at lumalagi.
- Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin, sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
- Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
- Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo, sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
- Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
- Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin, nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
- Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan, nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
- Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
- Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos, sapagka't mga laging sumasa akin.
- Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin, sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
- Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
- Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.
- Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan, sapagka't iyong tinuruan ako.
- Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
- Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa. kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
- Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
- Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
- Ako'y nagdadalamhating mainam. buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
- Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
- Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay, gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
- Ipinaglagay ako ng silo ng masama, gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
- Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman, sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.
- Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.
- Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip, nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
- Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko. ako'y umaasa sa iyong salita.
- Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan, upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
- Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay, at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa.
- Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
- Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan, sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
- Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal, kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
- Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo, at ako'y takot sa iyong mga kahatulan.
- Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan. huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
- Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti. huwag mong ipapighati ako sa palalo.
- Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.
- Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
- Ako'y lingkod mo, bigyan mo ako ng unawa, upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
- Kapanahunan sa Panginoon na gumawa, sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
- Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
- Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay, at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
- Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas, kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
- Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag, nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
- Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga, sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
- Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
- Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita, at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
- Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao. sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
- Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
- Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig, sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
- Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.
- Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.
- Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
- Ang salita mo'y totoong malinis, kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
- Ako'y maliit at hinahamak. gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
- Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.
- Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin. gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
- Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man. bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
- Ako'y tumawag ng aking buong puso, sagutin mo ako, Oh Panginoon. iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
- Ako'y tumawag sa iyo, iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.
- Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako. ako'y umasa sa iyong mga salita.
- Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.
- Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob. buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
- Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit, sila'y malayo sa iyong kautusan.
- Ikaw ay malapit, Oh Panginoon, at lahat mong utos ay katotohanan.
- Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.
- Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako, sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.
- Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako. buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
- Kaligtasan ay malayo sa masama, sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
- Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon. buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
- Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko, gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
- Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw, sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
- Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo. buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
- Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan, at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
- Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan, nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
- Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
- Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling, nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
- Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
- Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
- Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo.
- Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo, at iniibig kong mainam,
- Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo, sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
- Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon. bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
- Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik. iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
- Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi, sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
- Awitin ng aking dila ang iyong salita, sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
- Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako, sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.
- Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon. at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.
- Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo, at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
- Ako'y naligaw na parang tupang nawala, hanapin mo ang iyong lingkod, sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
Kabanata 120 ↟↟
- a aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.
- Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.
- Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
- Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.
- Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
- Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
- Ako'y sa kapayapaan. nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
Kabanata 121 ↟↟
- titingin ko ang aking mga mata sa mga bundok, saan baga manggagaling ang aking saklolo?
- Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
- Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos. siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
- Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
- Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo. ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
- Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
- Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
- Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Kabanata 122 ↟↟
- ko'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.
- Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem,
- Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan.
- Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
- Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
- Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem. sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
- Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
- Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob.
- Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti.
Kabanata 123 ↟↟
- a iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit.
- Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae, gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin.
- Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin. sapagka't kami ay lubhang lipos ng kadustaan.
- Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay. At ng paghamak ng palalo.
Kabanata 124 ↟↟
- ung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
- Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin.
- Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin.
- Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos.
- Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
- Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
- Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli. ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
- Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.
Kabanata 125 ↟↟
- ilang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
- Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem, gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan, mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
- Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid, upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
- Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti, at yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
- Nguni't sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad, ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan. Kapayapaan nawa ay suma Israel.
|
|